Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga bus operator na papatawan ng parusa kapag nagdagdag ng bayarin sa Beep cards.
Ayon ito kay DOTr Consultant Alberto Suansing matapos ipag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng beep cards sa mga parokyano sa EDSA Busway simula bukas, ika-9 ng Oktubre.
Binigyang diin ng LTFRB na ang magiging gastos lamang dapat ng pasahero ay load mismo sa Beep card na hindi na rin dapat maglaman ng maintaining balance.
Una nang ipinag-utos mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maibigay ng libre sa commuters ang Beep cards.