Walang nakikitang dahilan ng Malacañang para hindi pa simulan ng senado ang deliberasyon sa panukalang 2021 national budget.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay dahil hindi naman kailangang hintayin pa ng senado na maaprubahan ng kamara ang budget sa ikatlo at huling pagbasa.
Naging tradisyon na rin naman aniya sa senado na kahit naka-break ang sesyon ng kongreso ay maaaring magsagawa ng mga pagdinig para hindi maantala ang pagpasa sa budget.
Una nang inihayag ni Roque na hindi katanggap-tanggap sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng reenacted budget o maantala man lang ang pagpasa sa budget dahil nakapaloob dito ang recovery at rehabilitation plan ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).