Bawal nang mag videoke at karaoke sa lungsod ng Maynila kapag umaga mula Lunes hanggang Sabado.
Ito ang nakasaad sa ordinansang nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga magulang at estudyanteng naiistorbo sa kanilang online classes ng mga kapitbahay na walang habas sa pagkanta at pag-iingay.
Batay sa ordinansa bawal gumamit ng karaoke at videoke machines at iba pang sound producing devices mula alas 7 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon araw-araw maliban lamang sa araw ng Linggo.