Full operation na ang lahat ng ruta ng Pasig River Ferry Service (PRFS).
Ayon kay Irene Navera, opisyal ng PRFS, kanilang masesebisyuhan ang mga mananakay ng ferry service mula pinagbuhatan sa Pasig City hanggang sa Escolta sa Maynila.
Mababatid na ipinatupad ang partial operation sa naturang ferry service dahil sa makapal na water hyacinths o water lily na kumakapit naman sa mga propeller ng ferry boats.
Samantala, binigyang diin ng pamunuan ng PRFS na libre pa rin sa pamasahe ang mga mananakay na health workers, mga kawani ng gobyerno at lahat ng uri ng authorized person outside residence (APOR).