Pinatawan ng hanggang sampung taong pagkakakulong ang dating alkalde, bise-alkalde at siyam na konsehal sa isang bayan ng Catanduanes bunsod ng sinasabing anomalya sa pagbili ng isang backhoe loader na nagkakahalaga ng mahigit P13 million noong 2005.
Batay sa desisyon ni Sandiganbayan Associate Justice Ronald Moreno, napatunayang guilty sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si dating Viga municipal mayor Jose Torres.
Ginawaran din ng katulad na senstensya sina dating vice mayor Yolando Tuquero at Sangguniang Bayan members Lourdes del Rosario, Asuncion Odi, Rosario Mollasgo, Horacio Aquino Jr., Domingo Villanueva, Orbel T. Tonio, William T. Tuplano, at Gomercindo T. Litong.
Nagpalabas naman ng arrest warrant ang anti-graft court laban sa isa pang council member na si Nerissa Usero na hindi pa rin nahuhuli ng mga awtoridad hanggang sa kasalukuyan.