Patuloy na bumababa ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP.
Sa datos mula sa PNP health service, nasa 871 na lamang ang kanilang active cases.
Bunsod ito ng 90 bagong recoveries sa sakit kaya’t umakyat na ang bilang nito sa 5,456.
Dahil dito, pumalo na sa 6,347 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa hanay ng PNP.
Ito’y makaraang madagdagan ang mga bagong kaso ng 51 nitong Biyernes, Oktubre 9.
22 ang naitala mula sa CALABARZON, 8 sa Eastern Visayas, 5 sa national operations support unit habang 4 naman sa Zamboanga Peninsula.
3 ang nagmula sa NCRPO, tig-2 naman sa Cagayan Valley at SOCCKSARGEN habang tig-1 sa National Headquarters, National Administrative Support Unit, Ilocos Region, Central Visayas at Northern Mindanao.
Samantala, nananatili naman sa 20 ang kabuuang bilang ng mga nasawing pulis dahil sa COVID-19.