Nanggagalaiti ang iba’t-ibang labor groups sa naging pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito’y makaraang ihayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III na papayagan nitong huwag munang magbigay ng 13th month pay sa mga empleyado ang mga distressed na kumpaniya dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesman Alan Tanjusay, posibleng magkaproblema ang dole kung igigiit nito ang kanilang panukala.
Sa panig naman ng Kilusang Mayo Uno (KMU), hindi anila katanggap-tanggap para sa mga manggagawa lalo pa’t sila ang mas matinding naapektuhan ng nararanasang pandemya.
Pananagutan anila ng gubyerno na humanap ng ibang paraan para matulungang makabangon ang sektor ng mga manggagawa sa bansa.