Tinutulan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang planong pansamantalang pagtanggal sa 13th month pay ng mga manggagawa ngayong taon sa kadahilang ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ilan sa mga negosyo ay palugi o nalulugi na bunga ng COVID-19.
Giit ni TUCP Spokesperson Allan Tanjusay na marapat lamang makatanggap ang mga manggagawa ng 13th month pay dahil ito ay naaayon sa batas.
Ayon naman sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) Chairman Sergio Ortiz-Luis Jr. di na kaya ng mga maliliit na negosyo ang pagbabayad ng 13th month pay ngayong pandemya at marami umano ang mawawalan ng trabaho kapag patuloy na piniga ang mga micro business at di tulungan .
Samantala ayon naman kay Labor Secretary Silvestre Bello III patuloy na mandato pa rin sa mga employer ang pagbibigay ng 13th month pay.—sa panulat ni Agustina Nolasco