Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang ‘survivor benefits’ sa mga miyembro ng National Prosecution Service (NPS).
Sa ilalim ng Senate Bill 1865, oras na mamatay ang isang retiradong miyembro ng NPS, ay bibigyan ang asawa at mga anak nito ng retirement benefits na kanya na ring natanggap noong nabubuhay pa.
Paliwanag ni Angara, ang pagbibigay ng ‘survivorship benefits’ ay maliit na paraan lamang para masuklian at mapasalamatan ang ‘di matatawarang serbisyo ng mga ito sa bansa.
Magugunitang nitong hulyo ay napaulat ang pagkakasawi ng isang piskal na kinilalang si Jovencio Senados na hepe ng Manila City Prosecutors Office matapos na pagbabarilin habang papauwi sa kanilang tahanan.