Umakyat ang antas ng Pilipinas sa world ranking ng mga bansang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mula pang-19, pumuwesto ang Pilipinas sa ika-18 rank matapos mahigitan ang Saudi Arabia sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Sa ASEAN, ang Pilipinas ay nakapagtala ng pinakamataas na kumpirmadong kaso ng virus bagamat mas mababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 kumpara sa Indonesia.