Pumanaw na ang nag-iisang captive-bred tamaraw na si “Kalibasib” o Kalikasan Bagong Sibol.
Ang tamaraw na si Kalibasib ay critically-endangered species na dwarf water buffalo na matatagpuan lamang sa isla ng Mindoro.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), nasawi nitong nakalipas na weekend si Kalibasib sa Tamaraw Gene Pool Farm sa barangay Manoot sa Rizal, Occidental Mindoro matapos magka-diarrhea noong Biyernes.
Si Kalibasib ay ipinanganak noong ika-24 ng Hunyo, 1999 at inaasahang mabubuhay lamang ng 20 hanggang 25 taong gulang.
Sinabi pa ng DENR na ang human age ni Kalibasib ay 84 years old na dahil ang edad ng tamaraw ay minu-multiply by four para makuha ang katumbas nito sa edad ng tao.