Lumarga na ang pagre-assign sa iba’t ibang rehiyon ng 2k pulis na boluntaryong nagpalipat sa ilalim ng localization program ng PNP.
Sinabi ni PNP Chief General Camilo Cascolan na ang paunang rigodon ay inter-regional re-assignment ng mga tauhan patungo sa kanilang mga hometown o kung saan sila permanenteng residente.
Nilinaw naman ni Cascolan na 1 is to 1 swapping ang gagawin kung saan papalitan din ang mga ililipat na pulis ng mga pulis na nais magpare-assign sa mga lugar na kanilang iiwanan.
Subalit ang NCRPO at PRO 4A o CALABARZON aniya ay may kailangan pang plantsahing mga detalye sa kanilang staffing at deployment bago makumpleto ang kanilang localization upang hindi magkaroon ng vacuum o kakulangan ng mga tauhan sa mga lugar na ito.
Ginawang priority ni Cascolan ang localization para mapataas ang Morale ng mga pulis at maging mas epektibo sa kanilang trabaho.
Ang mga pulis aniya na nagta trabaho sa lugar kung saan sila residente ay magkakaroon ng sense of ownership at mas magmamalasakit sa kanilang komunidad.