Lumobo na sa mahigit 37.68-milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ito ay batay sa pinakahuling tally ng Reuters kung saan, nasa 1,077,858 na ang nasawi dahil sa virus.
Mula sa 210 bansa na nakapagtala ng COVID-19 cases, nangunguna pa rin ang U.S. na nakapagtala na ng 7,783,379 kaso ng virus, at 214,584 na nasawi.
Sumunod naman dito ang India na may 7,120,538 COVID-19 cases at 109,150 na mga nasawi; Brazil na mayroon nang 5,094,979 kaso ng virus at 150,488 deaths; Russia na may 1,312,310 cases at 22,722 bilang ng mga nasawi, at ang Colombia na nakapagtala naman ng 911,316 kaso ng virus at 27,834 na mg anasawi.
Samantala, nasa ika-18 pwesto naman ang Pilipinas sa pinakamaraming kaso ng virus na naitala, na sa kasalukuyan ay mayroon nang 342,816 cases at 6,332 deaths.