Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Cong. Alan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco para sa isang pagpupulong ngayong araw.
Kasunod na rin ito ng pagluluklok ng mga mambabatas kay Velaso bilang House Speaker, kahapon, Lunes, ika-12 ng Oktubre.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatakda ang naturang pagpupulong mamayang alas-12:30 ng tanghali, bago ang inilatag na special session sa Batasan para sa deliberasyon ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Gaganapin naman, ani Roque, ang pagpupulong sa Malacañang Golf Club at sesentro sa pagpapasa ng mahigit P4.5-trilyong pambansang pondo.
Magugunitang sinertipikahang “urgent” ni Pangulong Duterte ang pagpasa sa panukalang 2021 national budget. —ulat mula kay Jopel Pelenio