Bayan bago sarili.
Ito ang muling ipinaalala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa mga tatakbo sa 2016 elections.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni dating Ambasador at ngayo’y PPCRV Chairperson Tita de Villa na magtutungo sila sa Commission on Elections o COMELEC sa unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy o COC ngayong araw na ito.
Ayon kay de Villa, mamamahagi rin sila ng voters’ prayer para sa mga botante upang mahanap ng mga ito ang mga karapat-dapat na kandidato.
Paliwanag niya, kahit pa may utang na loob sa isang pulitiko dahil sa tulong mula rito, dapat pa ring isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa at bayan.
“Alam mo naman na ito, yung tinulong sayo baka nanggaling din sa kaban ng bayan, hindi tama yun, kailangan ang botante maging tapat din, yung hinahanap natin sa kandidato kailangan ang botante ang unang nagpa-practice.” Pahayag ni de Villa.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita