Natapos na nitong nakalipas na weekend ang 17. 93 kilometer Metro Manila Skyway Stage 3 Project
Ang nasabing Skyway ayon kay San Miguel Corporation President at COO Ramon ang ay ma-uugnay sa Southern at Northern Luzon bagama’t hindi muna bubuksan sa publiko dahil may mga kailangan pang ayusin dito na bahagyang naantala dahil sa mga pagulan.
Dahil sa Skyway Stage 3 ang biyahe mula sa South Luzon Expressway (SLEX) patungong North Luzon Expressway (NLEX) ay tatagal na lamang ng dalawampung minuto mula sa dating tatlong oras.
Ang biyahe mula Magallanes hanggang Balintawak ay magiging 15 minutos na lamang gayundin mula Balintawak patungong naia at 10 minuto mula Valenzuela pa Makati.
Ang skyway stage 3 ay kabilang sa 23 proyekto sa ilalim ng EDSA decongestion program ng Duterte administration.