Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang LPA o Low Pressure Area ng PAGASA sa Guiuan, Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA ang nabuong tropical depression ay tatawaging bagyong Ofel na itinuturing na ika-15 bagyo ngayong taon.
Huli namang namataan ang bagyo sa layong 135 kilometro, Silangan Timog-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ng bagyong Ofel ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 105 kilometro kada oras.
Dahil sa bagyo, asahan nang mararanasan ang mahihina hanggang kalakasang pag-ulan at malakas na hangin sa probinsya ng Samar at Sorsogon.
Makakaapekto rin ang bagyo kasama pa ang Southwest Moonson sa Mindanao, Mimaropa, Bicol Region, at nalalabi pang bahagi ng Visayas.
Maganda naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa ngunit posible parin ang pag-ulan sa gabi bunsod ng localized thunderstorm.