Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pagpanaw ni Retired Supreme Court Justice Ameurfina Melencio-Herrera.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque lubos na ikinalulungkot ng palasyo ang pagpanaw ni Herrera.
Ani Roque, nanguna noon sa Philippine Bar Examinations si Herrera.
Si Herrera rin ay naging chancellor ng Philippine Judicial Academy o Philja na training school para sa mga Justices, Judges, Court Personnel.
Isa aniyang karangalan na maging bahagi ng Philja sa imbitasyon na rin ni Justice at Chancellor Herrera.