Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga pulitiko at negosyante na huwag na munang magsagawa ng Christmas Party habang may pandemya.
Ayon kay Robredo, sa halip na magbigayan ng regalo, mas makabubuti kung itutulong na lamang ang kanilang pera sa mga mahihirap ngayong panahon ng pandemya.
Ipinabatid din ni Robredo na maging ang kaniyang tanggapan ay ipinagpaliban na rin ang nasabing aktibidad sa pasko upang makatipid ng pondo.
Giit ni Robredo, may susunod na taon pa naman para sa mga kasiyahang ito o aktibidad ngunit sa ngayon kailangan unahin ang pagtulong sa mga tunay na nangangailangan.