Iginiit ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi underfunded ang Department Of Health (DOH) para sa susunod na taon.
Ito’y sa gitna ng pagkuwestiyon sa mababang pondo na inilaan para sa DOH gayong nakakaranas ngayon ng health crisis ang bansa.
Paliwanag ni Budget Secretary Wendel Avisado, ang mga programa ng pamahalaan para tugunan o labanan ang COVID-19 ay hindi lang naman nakasentro sa ilalim ng DOH.
Ani Avisado, maging ang ibang sangay, departamento at ahensya ng pamahalaan ay may papel rin para tugunan ang COVID-19 pandemic kaya aniya hindi naman tamang sabihin na underfunded ang DOH para sa 2021.