Posibleng maidaos ang kapistahan ng Quiapo o Traslacion 2021 sa pamamagitan ng motorcade.
Ito’y ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church kung papayagan ng Inter Agency Task Force.
Ani Fr. Badong, hinihintay na lang din nila ang plano ng lokal na pamahalaan ng Maynila kaugnay sa tradisyunal na selebrasyon.
Sinabi naman ni Manila Mayor Isko Moreno na kailangan pag-aralan at plantsahin ang mga plano o hakbang ng simbahan ng Quiapo habang maaga pa dahil sa hindi normal ang sitwasyon ngayon na posibleng umabot pa sa susunod na taon.
Aniya mahalagang maingatan pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng publiko lalo’t hindi pa rin nawawala ng banta ng COVID-19.