Tatapatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga riding-in-tandem sa bansa.
Sa gitna na rin ito nang tumataas na kaso ng kriminalidad na kinasasangkutan ng riding in tandem o mga gumagawa ng krimen na karaniwang magka-angkas sa motorsiklo.
Sinabi ng pangulo na tumaas ang kaso ng hold-up at street crimes nang buksan ang ekonomiya ng bansa na unang nalugmok dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Malaya na kasi aniyang nakagagalaw at nakabibiyahe ang mga tao na sinasamantala naman ng mga kriminal.
Ayon pa sa pangulo, multo para sa mga pulis kung paano habulin ang mga kriminal na madaling nakakatakas sakay lamang ng motorsiklo kaya pababantayan niya ito at pananagutin sa pamamagitan ng mga pulis ding naka-motorsiklo.