Plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mag-hire ng 20,000 contact tracers sa loob lamang ng dalawang linggo upang maabot ang kanilang target na 50,000 contact tracers.
Sa Laging Handa presser, ipinaliwanag ni DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing III na bahagi ito ng mas pinaigting na pagtugon ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sumasailalim na aniya sa pagsasanay ang mga contact tracers na-hire na ng ahensya.
Ayon kay Densing, kabuuang 85,000 contact tracers na ang kanilang nai-deploy bago pa lamang maipasa ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).