Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Occidental Mindoro dakong alas 4:06 ngayong umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 21 kilometro hilagang silangan ng bayan ng Looc.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 10 kilometro mula sa episentro.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 4 sa Calatagan sa Batangas habang intensity 2 naman sa Metro Manila.
Bagama’t inaasahang magkakaroon ng aftershocks ang nasabing pagyanig, subalit nilinaw ng PHIVOLCS na sa paligid lamang ng episentro ito mararamdaman.
JUST IN: Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Looc, Occidental Mindoro dakong 4:06 AM | via @phivolcs_dost pic.twitter.com/rFMvedhj9u
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 16, 2020