Mahalagang maresolba sa lalong madaling panahon ang halos P1-B pagkakautang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).
Ito ang iginiit ni Sen. Christopher Bong Go upang hindi aniya maapektuhan ang COVID-19 testing capacity ng bansa kung saan nakasalalay ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.
Ayon kay Go, bilang chairman ng senate committee on health, tumutulong na rin siya upang maisaayos ang pagkakautang ng philhealth na siyang dahilan kung bakit itinigil na ng prc ang pagsasagawa ng COVID-19 test.\
Tulad ng pangako ko noon, willing akong maging tulay upang mapabilis ang aksyon sa mga isyu na hinaharap natin para hindi mapabayaan ang serbisyo sa tao. Hindi natin gusto na dagdagan pa ang pinapasan ng mga kababayan nating kinakailangan pang gumastos pa para sa COVID-19 testing katulad ng mga OFW’s, returning individuals, medical frontliners at iba pa. Buhay at kabuhayan ng mga kababayan natin ang nakasalalay dito,” ani Go.