Nagbabala si Senador Win Gatchalian sa publiko laban sa mga produktong nabibili online na pupwedeng naglalaman ng nakasasamang kemikal.
Ito ang naging babala ni Gatchalian makaraang mapag-alaman ng Ecowaste Coalition na may mga nagbebenta online ng mga mercury thermometers at ibang pang mga kagamitan na naglalaman ng mapanganib ng kemikal, kaya’t agad nila itong pinaalam sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Food and Drug Administration (FDA), Environmental Management Bureau (EMB).
Mababatid kasi na noon pang 2010, ay tinanggal ng sa pamilihan ang mga kagamitang medikal na naglalaman ng mercury sang-ayon sa isang kautusan mula sa health department.
Sa huli, ayon kay Senador Gatchalian, bagama’t bahagi na ng buhay ng bawat Pilipino ang online shopping, iginiit nito na dapat mag-ingat pa rin ang publiko sa kanilang mga binibili.