Pumalo na sa mahigit P8-M ang iniwang pinsala ng mga nagdaang bagyong Nika at Ofel sa sektor ng agrikultura.
Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), katumbas ito ng mahigit 400 metriko tonelada ng mga pananim na palay, mais at kopra na sinira ng mga nabanggit na sama ng panahon.
Aabot naman sa 530 magsasaka na nagsasaka mahigit 500 ektaryang lupaing sakahan ang naapetkuhan ng bagyo.
Pero pagtitiyak ng agriculture department, nakahanda na ang kanilang quick response fund para naman sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Mamamahagi rin ang kagawaran ng mga binhi para sa mga apektadong magsasaka upang makapagsimulang muli matapos ang naranasang sakuna.