Iginiit ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng mga rekomendasyong ginagawa ng mga eksperto sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Ito’y matapos tawagang pansin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang OCTA research group na huwag nang isapubliko ang kanilang mga rekomendasyon habang binanatan naman ni Environment Secretary Benny Antiporda ang UP bioligist kaugnay sa rekomendasyon ng mga ito sa Manila Bay White sand beach.
Ayon kay Robredo, ang pinaka layunin lamang ng mga rekomendasyon na nagmumula sa mga eksperto ay para maging gabay sa pagdedesisyon ng mga otoridad.
Sinabi rin ni Robredo na karapatan ng publiko na malaman ang mga impormasyon mula sa mga eksperto kaugnay sa sitwasyon ng bansa sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Sa tingin aniya niya ay makabubuti kung susundin ang mga datos na ibinibigay ng eksperto dahil ito umano ay may kalakip na pag-aaral at pananaliksik.