Pinagso-sorry ng isa pang grupo si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago dahil sa kontrobersyal na komento nito kaugnay sa pagkamatay ni Baby River Nasino na anak ni political detainee Reina Mae Nasino.
Ayon sa Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, dapat magpublic apology si Pialago sa naging pahayag nitong itigil na ng sympathizers ang drama-serye sa pagkamatay ng sanggol na anila’y insensitive at kawalan ng puso.
Ang naturang pahayag anila ni Pialago ay pagpapakita lamang ng sistematiko at patuloy na effort ng Duterte administration na saktan at pahirapan pa si Nasino at mga nagluluksa sa pakamatay ng sanggol nito.
Samantala, binalikan naman ng National Union of Peoples’ Lawyers si Pialago at umaasang hindi nito danasin ang dinanas ni Nasino.
Subalit sinabi ni NUPL Secretary General Edre Olalia na tutulungan din nila si Pialago sakaling mangyari rito ang nangyari sa ina ni Baby River.