Ipinauubaya na ng Malakanyang sa Ombudsman ang pagpapalabas ng kopya ng State of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga taong 2018 at 2019.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay dahil mayruong bagong guidelines na sinusunod ang Ombudsman sa paglalabas ng SALN.
Batay sa panuntunan ng Ombudsman kailangang may permiso muna sa subject ng SALN para magbigay ito ng go signal sa isang nagre-request o nais makakuha ng kaniyang SALN.