Namahagi ng voters at candidates prayer ang PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa pagsisimula ng filing ng COC o Certificate of Candidacy, ngayong araw na ito.
Ayon kay PPCRV Chairperson Tita de Villa, mahalaga na mayroong gabay mula sa mga salita ng Diyos ang mga botante at maging ang mga kandidato.
Sinabi ni de Villa na ipupursige rin niya na muling mapagharap-harap ang mga kandidato sa pangka-Pangulo sa harap ng isang spiritual adviser upang makapagnilay-nilay sa ginagawa nilang pangangampanya.
Matatandaan na si de Villa ang napagharap-harap noon ni de Villa sina Senador Grace Poe, LP standard bearer Mar Roxas at Vice President Jejomar Binay kay Cardinal Luis Antonio Tagle.
“Sa kandidato, kailangan makapagmuni-muni sila, makapagnilay yun bang reflection, para ganun hindi din yung kampanya ay puro batuhan lang ng batuhan ng accusation kasi pag ganoong tirahan ng tirahan ang kauuwian niyan ay karahasan.” Pahayag ni de Villa.
By Len Aguirre | Ratsada Balita