Umaapela ng 1% hanggang 3% dagdag-presyo ang manufacturers ng ilang brand ng Noche Buena items at mga delata.
Ayon ito kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na nagsabing ang posibleng pagtaas ng presyo ay kasunod na rin ng pagtaas ng production cost ng mga naturang brand.
Sinabi ni Lopez na pinag-aaralan na ng consumer protection group ng DTI kung makatuwiran ang pagtataas ng presyo o kung uubra namang bawasan ang hinihinging price increase ng manufacturers.
Sa mga Noche Buena items inihayag ni Lopez na lima lamang mula sa 20 brand ang naggigiit ng dagdag-presyo kaya’t dapat na bilhin ang may magandang kalidad sa tamang presyo.
Kasabay nito ipinabatid ni Lopez na available na ang mga promo sa mga grocery stores at palengke sa panahon ng Kapaskuhan.