Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga opisyal ng gobyerno na alalahanin muna ang kanilang posisyon bago magbitiw ng mga pahayag.
Ito’y matapos ang naging pahayag ni MMDA Spokesperson Celine Pialago kaugnay sa naging pangyayari sa libing ng anak ni political detainee Reina Mae Nasino.
Ayon kay CSC Commission Atty. Aileen Lizada, ang isang public official o kawani ay dapat na dumistansya o umiwas sa mga posibleng makapagdulot ng hindi magandang integridad sa kaniyang tanggapan.
Giit ni Lizada tinitingnan ang isang public official batay sa kung anong posisyon nito o kung anong kinatawan nitong ahensya.
Sinabi ni Lizada na ang naging pahayag ni Pialago ay kaniyang inilabas sa kaniyang facebook account kung saan dinadala nito ang titulo niya bilang MMDA spokesperson.