Binalaan ni US Secretary of State Mike Pompeo ang US at Brazil dahil sa umano’y masyado nitong pagdepende ng kanilang mga imports ng China.
Ayon kay Pompeo, nakataya ang seguridad ng mga ito dahil mapanganib na isama ang China sa ekonomiya ng isang bansa.
Naniniwala si Pompeo na kayang tumayo ng ekonomiya ng Brazil at US kahit walang tulong ng China.
Una rito inihayag ng Brazil ang planong pagbabawal sa pagbili ng 5g equipment ng China gaya ng naunang ginawa na ng US.