Binaha ang ilang bahagi ng bansa bunsod ng patuloy na pag-ulang dulot ng Bagyong Pepito.
Batay sa ulat, kabilang sa mga inabot ng baha ang parte ng Maharlika Highway sa Lopez Quezon.
Bagama’t nananatiling passable o nadadaan ang lugar, nagiging pahirapan ito sa mga motorista.
Samantala, umabot naman sa baywang ang tubig-baha sa ilang barangay sa Lopez.
Habang abot-tuhod naman ang baha sa Calauag at Tagkawayan, Quezon at pinasok na ang ilang mga kabahayan.
Nagdulot din ng baha sa ilang lugar sa Cotabato ang trough o buntot ng Bagyong Pepito.
Lumubog sa tubig baha ang ilang mga kabahayan sa president Roxas Cotabato habang inanod naman ang mga alagang hayop matapos umapaw ang ilog doon.
Pahirapan naman ang pagtawid sa bahagi ng magpet bunsod din ng umapaw na ilog.
Samantala, inilikas naman ang umaabot sa 15,000 mga residente sa bayan ng Pikit at halos 2,500 residente sa Kabacan bunsod pa rin ng pagbaha.