Si Senador Panfilo Lacson ang kauna-unahang naghain ng COC o Certificate of Candidacy para sa senatorial elections sa 2016.
Tatangkain ni Lacson na magbalik senado sa ilalim ng Liberal Party.
Taong 2001 noong unang tumakbo at manalong Senador si Lacson sa ilalim ng Laban ng Demokratikong Pilipino o LDP at sa ilalim ng genuine opposition noong 2007.
Nakasama niya sa Senado hanggang noong 2010 ang standard bearer ng LP na si dating Senador Mar Roxas.
Ilang security lamang ang kasama ni Lacson nang magtungo ito sa COMELEC.
By Len Aguirre | Aya Yupangco (Patrol 5)