Kinatigan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pahayag ng mga whistleblower ng Pastillas bribery scheme sa Bureau of Immigration na mayroong hierarchy o ranking sa operasyon nito.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senador sa isyu, sinabi ni NBI Special Action Unit Chief Emetrio Dongallo Jr. Na totoong may hierarchy sa Pastillas scheme.
Batay aniya ito sa resulta ng kanilang imbestigasyon at mga nakalap na ebidensiya.
Magugunitang kapwa sinabi ng mga whistleblower at immigration officer na sina Allison Chiong at Jeffrey Dale Ignacio na tila pyramid ang hierarchy sa Pastillas scheme.
Kapwa rin itinuro ng 2 si dating Immigrations Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas bilang nasa pinakatutok nito.
Sa kauna-unahang pagdalo naman ni Mariñas sa senate hearing, mariin nitong itinangging may alam siya sa mga alegasyon laban sa kanya.