Naniniwala ang Malakaniyang na biyaya ang paglobo ng populasyon dahil ito umano ang “greatest resource” ng pamahalaan para sa pag-unlad ng isang bansa.
Ito ang naging komento ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa sinasabing projection na “baby boom” ng University Of The Philippines Population Institute (UPPI) At United Nations Population Fund (UNFPA).
Ayon kasi sa UPPI at UNFPA, posibleng pumalo sa 2.5M ang unplanned pregnancies o hindi inaasahang pagbubuntis sa Pilipinas sa katapusan ng taon.
Ngunit sinabi ni Roque na hindi naman ito maituturing na bad news bagama’t kailangan aniyang pagplanuhan ang pagpapamilya at kailang tumulong dito ng gobyerno, nagkaroon ng limitasyon nuong mga panahon ng lockdown.
Paliwanag ni Roque, dahil sa lockdown, hindi makakuha ng mga gamit na ginagamit ng mga nagrerelasyon o may mga asawa na nagresulta sa maraming hindi inaasahang pagbubuntis.
Gayunpaman hindi naman ituturing na problema ng bansa ang mga magiging bagong panganak na sanggol bagkus ituturing itong isang biyaya para sa isang bansa.