Umaapela si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa mga otoridad na imbestigahan ang pamamaril ka Camarines Sur Regional Trial Court (RTC) Judge Jeaneth Gamilde at staff nito.
Sinabi ni Peralta na dapat kaagad maaresto ang nasa likod ng nasabing pananambang.
Binigyang diin pa ni Peralta na walang puwang sa bansa ang pag-atake sa mga hukom at mga abogado.