Nasa 500 residente mula sa Catanauan, Quezon ang isinailalim sa forced evacuation dahil sa mataas na tubig-baha sa apat na Barangay Dulot ng Bagyong Pepito.
Ang mga inilikas na residente ay dinala sa Southern Luzon Academy at Parochial School of Catanauan sa Barangay 4 Poblacion.
Ilang apektadong residente ay dinala rin sa municipal evacuation center.
Samantala, stranded ang maraming commuters sa bayan ng Lopez dahil sa lampas taong baha sa Barangay Canda.
Mahaba na ang pila ng mga sasakyan sa Diversion Road ng Barangay Canda at Barangay Danlagan kung saan kabilang sa mga stranded ay mga patungo ng Bicol partikular sa Sorsogon at Leyte.
Maraming motorista na rin ang stranded sa kahabaan ng Maharlika Highway Road sa Barangay Bebito at Barangay Magsaysay Poblacion.