Pinaghahanda na sa posibleng paglikas ang mga residenteng naninirahan malapit sa Ilog ng Cagayan.
Kasunod na rin ito nang patuloy na pagtaas ng water level ng Cagayan River dahil sa malakas na ulan dulot ng Bagyong Pepito.
Pinapayuhan ang mga naninirahan sa tabi ng Ilog ng Cagayan partikular sa bahagi ng Linao, Lower Abulug, Lower Pamplona, Cabicungan, Aunugay, Ba, Palawig at Taboan.
Pinag-iingat din ang mga nakatira sa mabababang lugar sa Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig, Amulung, Alcala, Gattaran, Lal-Lo, Lasam, Camalanuigan, Baggao at Aparri.
Kaninang umaga ay nasa 7.28 meters ang water level sa Buntun River at itataas ang alert level sa Buntun Bridge kapag umabot na sa 9 meters ang tubig sa nasabing ilog.