Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng baboy sa darating na holiday season sa bansa.
Ito’y sa gitna ng patuloy na banta ng african swine fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, mayroong 55% pa ng baboy ang bansa mas marami aniya ito kumpara noong nakaraang taon sa kaparehas na panahon.
Gayunman umapela si Dar sa mga cold storage owners para magpalabas ng mga frozen supplies nang regular.
Napag-alaman kasi umano ng ahensya na mayroong nagmamanipula ng paglabas ng frozen pork sa mga cold storages.
Una rito, inihayag ni Dar na nasa 25 probinsya na sa bansa ang naapektuhan ng ASF outbreak.