Sapat ang suplay ng noche buena items ngayong kapaskuhan.
Tiniyak ito ni Agriculture Secretary William Dar matapos makausap ang food manufacturers na sinigurong hindi kakapusin ang suplay ng hamon at chicken products sa holiday season.
Sinabi ni Dar na kulangin man ang suplay ng baboy dahil sa African Swine Fever, uubra namang maging source ng protina ang karne ng manok na bultu-bulto ngayon ang supply sa bansa.
Ipinabatid muli ni Dar na nasa 260% ang inventory nila ng suplay ng manok kumpara sa parehong panahon noong isang taon dahil naipon ang supply matapos magsara ang maraming establishment tulad ng restaurants at fast food centers.