Aminado ang Department of Health (DOH) na apektado sila ng pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) na tumanggap ng COVID-19 test sa ilalim ng package ng PhilHealth.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinikilala nila ang malaking kontribusyon ng PRC sa kanilang report araw-araw hinggil sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Vergeire, malalaki ang laboratoryo at malawak ang kapasidad ng PRC na nakakalat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kaya apektado ang kanilang reporting sa pagtigil ng operasyon nito.
Samantala, tiniyak naman ni Vergeire na tuloy pa rin ang pagproseso ng mga swab specimens para sa COVID-19 test na sagot ng PhilHealth.
Magugunitang, itinigil ng PRC ang pagtanggap ng PhilHealth -funded COVID-19 test nang umabot na sa halos P1-B ang utang ng ahensiya.
Nag-identify na tayo ng big laboratories also dito sa network natin para sila muna ang sasalo nitong mga hindi matatanggap ng Philippine Red Cross pansamantala. Meron tayong 11 government facilities na ating na-identify, nilagay natin sa zone and they are now receiving the specimens coming from the different areas na kailangang ma-test and also merong mga private laboratories which they expressed their interest na sila’y tutulong sa gobyerno para maibsan nitong nagkakaroon tayo ng mga bottle necks,” ani Vergeire.