Itinakda na lamang mula Lunes hanggang Biyernes simula Nobyembre 9 ang voter registration.
Ito ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez ay para bigyang daan ang disinfection sa kani-kanilang field offices tuwing Sabado.
Para sa critical areas sa ilalim ng localized Enhanced Community Quarantine (ECQ) sinabi ni Jimenez na suspendido pa rin ang pagpaparehistro.
Pinaalalahanan ni Jimenez ang publiko na mahigpit na sundin ang health and safety protocols kapag magpapatala sa gitna ng COVID-19 pandemic.