Aminado ang Department Of Health (DOH) na apektado sila ng pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) na tumanggap ng COVID-19 test sa ilalim ng package ng PhilHealth.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinikilala nila ang malaking kontribusyon ng PRC sa kanilang report araw-araw hinggil sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Vergeire, malalaki ang laboratoryo at malawak ang kapasidad PRC na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaya apektado ang kanilang reporting sa pagtigil ng operasyon nito.
Samantala, tiniyak naman ni Vergeire na tuloy pa rin ang pagproseso ng s mga swab specimens para sa COVID-19 test na sagot ng PhilHealth.
Magugunitang, itinigil ng PRC ang pagtanggap ng PhilHealth-funded COVID-19 test nang umabot na sa halos isang bilyong piso ang utang ng ahensiya.