Nagpaabot ng tulong ang Pilipinas para sa mga Rohingya refugees mula sa Rakhine state sa Myanmar na apektado ng kaguluhan.
Ito ang inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa kanyang naging mensahe sa virtual donor conference on sustaining support for Rohingya refugee response.
Ayon kay Lacson, magpapaabot ng $100K na kontribusyon ang Pilipinas sa United Nations High Commissioner for refugees o UNHCR bilang tulong sa mga refugees ng Rakhine State.
Kasabay nito, muli ring binanggit ni Locsin ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas ang pintuan ng pilipinas sa mga Rohingya refugees na tumatakas sa kaguluhan sa kanilang lugar.
Ipinaabot din ni Locsin ang suporta ng Pilipinas sa mga pagsisikap ng Myanmar para matiyak ang kaligtasan at boluntaryo pagpapabalik ng mga displaces persons gayundin ng seguridad at pangmatagalang pagpapaunlad sa lahat ng komunidad sa Rakhine state.
Magugunitangnahaharap sa Genocide lawsuit ang myanmar sa International Court of Justice dahil sa nagaganap na karahasan laban sa mga Rohingya.