Bumaba ng 40% ang garment export sa Pilipinas bunsod ng bumagsak na demand at naputol na supply chain dahil sa COVID-19 pandemic.
Batay ito sa isinagawang pag-aaral ng International Labor Organization (ILO) sa epekto ng pandemic sa 10 nangungunang mga bansang gumagawa ng mga damit kabilang ang Pilipinas.
Ayon sa ILO, dahil sa bumabang garment exports, nanganib ang kabuhayan ng tinatayang nasa animnaraang libong mga manggagawa sa bansa.
Lumabas din sa report na malaki ang naging epekto ng bumabang garments exports sa mga bansang China, India, Pilipinas at Sri Lanka.
Kapuna-puna rin anila ng malaking pagbaba sa pagbili ng mga produktong damit at sapatos ng mga pangunahing merkado sa Estados Unidos, European Union at Japan sa pagitan mga buwan ng Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.