Naglaan na ng P1-B ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para ayusin ang mga kalsada sa ground zero ng Marawi City.
Ito’y ayon kay DPWH Sec. Mark Villar ay bahagi na rin ng Marawi rehabilitation master plan para sa muling pagbangon ng lungsod mula nang madugong Marawi siege noong 2017.
Ayon sa kalihim, target nilang matapos ang Marawi transcentral roads bago matapos ang kasalukuyang taon kaya’t tuloy-tuloy ang paggawa at maganda naman ang kinalabasan ng nasabing proyekto.
Samantala, sinabi ng kalihim na malapit na rin nilang matapos ang phase 2 ng circumferential road sa isla ng Boracay na bahagi rin ng rehabilitation doon.