Madodoble pa ang 1 bilyong pagtataya ng Comelec na gagastusin sa karagdagang isang ng botohan sa presidential election sa 2022.
Ito ang tantsa ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang malaking parte aniya ng gagastusin ay mapupunta lamang sa pagbabayad sa mga guro na tutulong sa gaganaping botohan.
Mababatid kasi na plano ng Comelec na magtalaga ng higit sa 100,000 mga clustered precints mula sa dating higit sa 85,000.
Paliwanag ni Recto, aabot sa P19,000 kada presinto ang magiging bayad ng Comelec sa kanilang board of election chairperson, poll clerk at 3rd member.
Kaya’t payo ng senador sa Comelec, mag-isip na ito ng ilalatag na contingency plan oras na umabot pa hanggang sa susunod na halalan ang epekto ng pandemya.